I won't feel pathetic for thinking of you all the time.
You made me talk thingsI never told anybody.
Minsan ayaw ko mag kwento..
Ayokong mag-kwento sa mga kaibigan ko sa tunay na buhay, yung mga bestfriend ko sa tunay na buhay, ayoko mag-kwento sa mga kabarkada ko. Dahil alam mo ba yung pakiramdam na kapag may sinabi kang problema, pare-parehas lang lahat ng sinasabi nila? Yung tipong sasabihin na ‘Ayos lang yan, lilipas rin yan.’ Pero minsan hindi naman talaga yun yung kailangan mo, ang kailangan mo yung ‘Suporta’ at ‘Pagtitiwala’ nila pati na rin yung tinatawag na ‘Pagiintindi’ minsan kasi kahit pa sa isang libong kaibigan mo, dalawang libo ang hindi pa rin makaintindi sayo, pilit na iniitindi ka pero wala pa rin, nagpapanggap na iniitindi ka. Kaya minsan, lahat nalang ng gustong sabihin natatago, naiipon. Nagiging ‘sakit’Buti nalang dumating siya hehe :))
Dumarating sa puntong sasabihin mo sa sarili mo na ‘Wala na’kong magawa sa buhay ko.’ ‘Nakakatamad na’ at ganito-ganyan. Marami namang pwedeng gawin, ayaw mo lang. Tinatamad kang sipagin, dahil nga nakakatamad. Marami pang mga bagay na mas maganda kaysa sa harapan ng computer o social networking sites/online games, pero hindi lang ginagawa dahil nasanay na tayo sa harapan ng computer at dumating na rin sa punto na sinabi ko sa sarili kong, ‘Hindi na ako magmamahal, ayoko na.’ Pero walang epekto, bigla-bigla nalang Dumating siya.
Ang daming nagmamahal sa'kin, pero pagmamahal mo lang ang tanging hangad ko. (EMO EMO EMO) haha
No comments:
Post a Comment